Friday, June 24, 2011

Bakit nga ba kailangang "Umasal Lamang Nang Naayon sa Ganda?"

Sa mga nagtatanong, nagtataka, naguguluhan, hindi maka-intindi, at naloloka na kung bakit at paano ba umasal base sa ating taglay at natatanging itsura...Heto at intindihin ninyo ayon kay Lourd De Veyra:

 

Q: Bakit kailangan nito sa mga panahon ngayon?

Dahil sa mundong pataas nang pataas ang stress levels, dala ng banta ng climate change, kriminalidad, trapik, polusyon. Wala nang mas nakakakulo ng dugo kesa sa isang taong hindi umaasal nang ayon sa kagandahan.

Q: Ano ba talaga ang ibig sabihin ng pilosopiyang ito?

Ilang gabay, alituntunin, at halimbawa:

•    Kung di naman kagandahan ang katawan (at lalo na kung tadtad ng kurikong ang balat), ‘wag mag-post ng mga Boracay pics sa Facebook. Polite lang ang mga kaibigan mo pero pinagtatawanan ka nilang lahat. ‘Yan ang mapait na katotohanan.
•    ‘Wag artehan ang pananalita. Wag lagyan ng impit at kulot kung wala rin lang natural na impit at kulot ang dila mo—unless lumaki ka sa US, nag-aral sa mamahaling paaralaan, nakatira sa exclusive subdivision, o nanggaling sa pamilya ng mga panginoong may-lupa.
•    ‘Wag magpumilit mag-Ingles kung di ka rin lang naman lumaki sa Forbes Park o nag-aral sa I.S. Mas lalong wag na wag kung mali-mali rin lang naman ang Ingles mo.
•    ‘Wag mag-sleeveless kung maitim ang kili-kili. ‘Wag na ‘wag mag-sleeveless kung maitim na nga ang kili-kili, pamalo pa ng dalag ang mga braso mo. Mas na mas na ‘wag—nakikiusap kaming lahat lalo na ang mga tropa ko dito sa Project 2—lalo na’t lumalabas ka pa sa TV. Alam naming karapatan ng bawat tao sa mundong itong magsuot ng sleeveless, pero tandaang karapatan din naming laitin ka nang bonggang-bongga.
•    Kung di rin lang naman kagandahan, wag magti-tweet ng “WALANG GUWAPO DITO” dahil masaklap ang tatalbog sa iyo na paghusga. Wag rin magti-tweet tungkol sa kalidad ng wine lalo na’t bisita ka lang. At kahit na may training ka sa oenology, ‘wag manglalait ng wine ng ibang tao—lalo na’t pinapasuweldo ka ng taong bayan.
•    Kung ka-edad mo na si Madonna, wag nang labanan ang makinarya ng panahon at isipin na ikaw pa rin ang seksing haliparot noong 1985. Kahit cultural icon ka na. Ang pagsuway dito ay magdudulot lamang ng matinding bangungot sa mga milyong-milyong tao tulad ng sa latest mong music video.
•    Kung ‘di rin naman talaga model, huwag tangkaing mag-model—maliban na lang kung ang produkto ay hollow blocks o kaya’y Pigrolac. Sinadya ng Diyos na bigyan ng angkop na tangkad at ganda ang ibang tao para sa trabahong ‘yun.

Q: Ano ang kinaiba nito sa “Kung ‘di rin lang kagandahan, wag mag-inarte?”

Wala masyado—magkamag-anak  nga sila, in fact. Pero masyado namang garapal itong nasa itaas. Pero ‘yan ang masakit na katotohanan: marami talagang hindi umaasal nang ayon sa ganda.

“Things that are pure within themselves evoke pleasure, thus beauty,” ika nga ni Socrates. Sa Tagalog, naaalibadbaran tayo sa di-kagandahan. Lalo na’t nag-iinarte pa.

Ang di pagsunod sa batas na ito ay nagdudulot ng mga di-kanais-nais na pakiramdam sa mundo. Basic human courtesy lang dapat, di ba? Hindi tayo umuutot at pinapaamoy sa katabi natin. Hindi natin dinuduraan ang pagkain nila. Pag humihikab tayo, tinatakpan natin ang ating bunganga. Ang pag-ebs ay isang pribadong aktibidad at hindi natin ipinagmamalaki sa ibang tao.  

Q: Bakit marami pa ring mga taong hindi kagandahan na hindi likas na sumusunod sa pilosopiyang ito?

Hindi ko rin alam. Bakit ba may mga taong nagnanakaw? Bakit may mga taong pumapatay? Bakit may mga mahilig manood ng child pornography o kaya bestiality? Bakit may mga opisyal sa gobyernong nakaw pa rin nang nakaw kahit na sobra-sobra na ang mga pera nila sa Switzerland?

“Good nature will always supply the absence of beauty; but beauty cannot supply the absence of good nature,”ika nga ng Briton na si Joseph Addison. Ang mahirap ay kung pangit ka na nga, maarte ka pa at masama pa ugali mo. Yung mga ganoon ay wala na talagang pag-asang lumigaya sa mundo kahit ilang hamster o pusa pa ang alagaan nila.

Q: Ano ang karaniwang nangyayari kapag hindi umasal nang naayon sa ganda ang isang tao?

Joel-cruz-billboard
Wala naman sigurong direktang koneksyon ang stress at ang mga di-kagandahang billboards sa Edsa, pero tingin ko yung kay Joel Cruz Aficionado ay isang ehemplo ng hindi umaasal nang ayon sa ganda. Ang isa pa ay yung kay Ellen Lising ng Ellen’s Aesthetic Surgical Center (Naaalala ko bigla yung The Crow. O kaya yung Joker ni Heath Ledger sa Dark Knight). Naiintindihan ko na karapatan nila ang ilagay ang mga pagmumukha nila sa mga naglalakihang tarpaulin sa bawat sulok ng Maynila. Pero magkaiba yung pag-promote ng negosyo sa pananakot sa kapwa tao.

Q: Ibig sabihin ba nito: Ang mga pangit ay wala nang karapatan mag-inarte?

Kung magdudulot ng pagtatalo sa magkakaibigan, argumento sa magkaka-opisina, suntukan sa bar dala ng kaartehang ito--- oo, wala silang karapatan.
Pero, nasa demokrasya pa rin naman tayo. Kaya, sorry na lang ako.

Q: Totoo bang pinagpapala o mas sinesuwerte ang mga taong umaastang sapat lamang sa kanilang natural na ganda?

Higit pa sa pagpapala ang ihahain sa iyo ng langit. Kabit-kabit kasi yan. Una, hindi maiismiran ang iyong dangal. Hindi ka pagbubulungan. Hindi ka pagpipyestahan ng kritisismo at tsismis. Kung walang maipipintas, walang papasok na panlalait sa aura mo, walang magnet ng negatibo. Despues, gagaan ang buhay. Tiyak na ang pagpasok ng swerte sa buhay.

Q: Magbigay ng mga halimbawa ng mga taong umaasal lang nang angkop sa kanilang ganda.

A.    Buti na lang marami pa sila. Si Lucy Torres Gomez ay isang halimbawa nito. Kung tutuusin ay may karapatan siyang umasta sa anong paraang nais niya—dahil siya naman talaga’y diyosa ng kagandahan. Pero kahit na ganoon ang sitwasyon ay hindi niya kailanman inabuso ang pribelehiyong ito. Alam niya kung anong asta ang bagay sa kanya. Laging nakangiti, mabait ang pakikitungo sa tao. Hindi binabalandra sa madla ang kanyang mga mamahaling damit at pabango.

Shalani Soledad, maganda at sikat pero hindi rin nakitaan ng angas. Simple lang siya. In fact, siya pa rin ay larawan ng lumanay kahit sa gitna ng ingay at gulo ng game show. Masdan at pakinggan kung paano siya magbilang ng “…One… two… three… Goooow!”


Q: Bakit naman ito pa ang napili nating pag-usapan sa pagpasok ng bagong taon at hindi ang mga hula-hula at mga pampasuwerte sa buhay?

A: Dahil wala akong bolang kristal at wala ka ring makikitang turban sa ulo ko. Umaasal lang ako ayon sa aking ganda.

 

Thursday, June 23, 2011

Some Controversial Photos You Haven't Seen Yet

251089_217645621590921_216536025035214_738982_8046717_n
The literal spider fighting.

Apple_1
Practicality and creativity works in most situations.

Cock
I wonder what they serve, huh?

Darna_jeep
A gaydar :)

Dtnl_1
Behind Ronald McDonald's clown make-up is a man who wants to come out of his closet. :)

Dtnl_store
Hmmm...I wonder if the store owner (Gay) is happy or a fag.

Img_9466
Now I know why workers took months or even years to finish making the road.

Inamo_wardour_street
Want to have my own resto named "inamorin".

Inumanpaaralan
What are they teaching here?

Marca-pinya
Quotable quotes of some Filipinos :)

Photo0872
Filipinos are born businessman, in our own very creative way.

Saging_hubaran
You choose :)

Sayings
Bitterness or fact?

Sony_erection
hahaha! I wouldn't laugh if the electrician's name is Sony.

Tnl
So TRUE. :)

Nskdt
Fags would enjoy dining here.

 

Lucky Me! Namnam (Kanto Gays version of Kanto Boys Lucky Me! Namnam)

WARNING! THIS VIDEO CAUSES EXTREME LAUGHTER.

Pwede Bang Magtanong? (ENJOY THIS VIDEO)

What you will see or hear from this video are just some of the stupid-funny-dumb-witty-silly questions that we, Filipinos, frequently ask.

Thursday, June 16, 2011

Total Lunar Eclipse

I can say that I am one of the luckiest people who were able to witnessed the magnificent Total Lunar Eclipse. It occured earlier, June 16, 2011 from 3:30am to 5:10am. Indeed, it's the LONGEST TOTAL LUNAR ECLIPSE since 2000. That's why I salute these people, including myself of course, who ignored the call of bed, the bad company of mosquitoes, the so-called beauty rest, and the required 8 hours of sleep, just to witness this event.

The moon passed directly through the center of the Earth's shadow cone and this event also hasn't happened in 11 years and won't happen again until 2018.

I'm lucky to see it for the first time and it's really worth the wait :)

 

 

 

 

Wednesday, June 15, 2011

Max's Chicken All You Can

Max
All I can say is that...IT'S BACK!!! Max's restaurants opened its door, on June 10, 2011, to chicken-hungry customers for the Max's Chicken All You Can.

And again, I'M UP FOR THE CHALLENGE!--- TO EAT LIKE A MAN (with poise) :) hahaha!

Who wants to take the challenge? Just give me a buzz :)

Ang Maling Gamit ng Sampayan

I was watching TV Patrol last night and I heard the depressing story about a puppy, named Whitney.

The Facebook user Jerzon Senador uploaded photos of what seemed like a newly washed stuffed toy pinnned to a clothesline and hanging out to dry. But it was actually a real live puppy.

Whitey
Some of those who saw the photos were indignant. Some created a number of like page in Facebook, some even searched Jerzon's personal Facebook account and added him. I just can't understand why Jerzon keep on accepting those friend requests wherein most of these people are only flooding his wall with trash talks, P.I, and abusive words condemning his acts.


Isampay
Jerzon
Jerzon2

Despite negative comments, Senador was unapologetic, saying "hahaha,..winashing k p nga yan weh..." and "Hahaha, hnd ako makukulong noh..remember senador toh! aquh ng pa2pad ng Animal cruelty at kya kong bawiin yun!! ahahahaha."

Following pressure from netizens, Jerzon has since apologized via his own Facebook wall, saying "To All Animal Lovers and to all over the world, please read this:

“Gusto ko humingi ng tawad sa nagawa kong kasalanan sa aking alagang aso.. Sana mapatawad nyo ako at pinapangako ko na hindi na mauulit…"

The apology was accepted by some, but found lacking by others.

In my opinion...

I am really against with what Jerzon did to his poor puppy. I was raised in the family who really loves and cares for the welfare of animals. My mom loves dogs. When I was a 7 year old kid, my father gave me the most precious present and it was a cute, white, puppy that was named Saddam. That puppy gave me the first heartbreak when he died. We also took care of a rabbit, named Bunny, whose fur is similar to Bugs Bunny. He died old but we continued to raised rabbits and named them Bunny II to Bunny III. Right now, our house have been an orphanage for cats.

Jerzon's wrongdoing wasn't really "COOL" and won't ever suffice his or anyone's boredom! Ang sa akin lang, mag-isip muna bago gawin ang isang bagay o kaya naman, kung hindi mo magawang mag-isip, imaginin mo na lang muna yung sarili mo na nasa sitwasyon na 'yon. Pero hindi ka nag-isip...at sa tingin ko hanggang gnyaon hindi ka nag-iisip dahil patuloy mo pa ring ina-aacept lahat ng friend requests sa personal FB account mo na alam mo namang nakiki-usyoso lang sayo at minumura ka lang. BOY, MAG-ISIP KA NAMAN! Hindi na nga karespe-respeto yung ginawa mo aba, e parang okay lang sayo na i-invade na privacy mo at mura-murahin na pagkatao mo!

I believe this is your KARMA. Jerzon is now an instant celebrity. His acts were already broadcasted on National TV and even on CNN. He is one of the trending topic in Twitter. And now, he has to deal with the controversy he made at his early age, the critiscms being thrown at him, and PAWS legal actions.

Tt

Nasa huli ang pagsisisi. Pero ang mahalaga ay natututo at bumabangon tayo sa lahat ng pagkakamaling nagagawa natin.

Everyone has a CHOICE. Kaya kung ano mang pinagdadaanan natin sa ngayon, masaya man o malungkot, masakit man o masarap, stressful man o hindi, masama man o mabuti, katangahan man o hindi, boring man o enjoy, cool man o nakakainis...wala tayong dapat sisihin o pasalamatan kungdi yung sarili natin dahil pinili natin yung CHOICE na yun eh :)

 

Friday, June 10, 2011

Interview with Jason Terry (June 9, 2011)

Jt
Reporter: What gives you confidence?

Jason Terry: "My faith in God. To God be the Glory!"